NO JAYWALKING


Alas dos medya na nang madaling araw at tulad ng pangkaraniwan ay hindi pa rin ako dalawin ng antok, siguro ay dahil talagang natanggap na ng biological clock ko ang katotohanan na ang malamlam na liwanag ng papasinag pa lang na araw ang syang sisigaw sa utak ko na magsasabeng “Hoy Kapatid na pineyal glandula, ano pang hinihintay mo? Magrasyon ka na ng melatonin sa mga kliyente naten para matapos na trabaho natin sa araw na ‘to at makapahinga na tayo.” Yan ang eksena na  nangyayari araw-araw sa sistema ko at sa sistema mo rin siguro. Nakakatawang isipin na namroblema sakin ng husto ang sarili kong sistema noong mga unang yugto ng pagbabago ko ng sleeping pattern mula nang piratahin ako ng galanteng si Uncle Sam sa kanyang mapang-akit na industriya mga anim na taon na ang nakalilipas mula sa aking simpleng pagtuturo ng photosynthesis, respiratory systems, at pati ang kung pano maka-combo hit sa mga marvel games ng Capcom sa video games naituro ko rin sa ilan kong estudyante.Pero kalaunan naisip ko na lang na hindi naman talaga mabigat na abuso laban sa kalusugan ang matulog ng mahimbing habang nagmumura ang sikat ng araw sa labas. Mental defense ko bilang call center agent. Ang populasyon ng Pilipinas sa kasalukuyan ay humigit-kumulang sa 91,983,000  at hindi ko alam sa mga oras na ito, at marahil walang nakakaalam maging google,  kung anong porsyento ng bilang na yan ang nasa kani-kanilang mga dreamlands (kung sinuswerte), o mga naghihilik (kung nahilig sa taba ng pork si kuya) o simpleng tulog-patay (si kuya at ateng masisipag) at kung anong porsyento ang mga dilat na dilat pa na katulad ko. Pero isa lang ang sigurado ko, at pupusta ako ng may malaking kumpyansa na gatiting na porsyento lang ng sambayanan ni Juan dela Cruz ang nagbababad sa ngayon ng tulad ko, at kung lalaban ka sakin sa pustahang yan, para ka na ring pumusta sa isang amateur boxer na nangahas hamunin si Manny Pacquiao. Going back on track, naisip ko lang na hindi naman  masasabeng “deviance” kung gising pa ako habang ang karamihan ay tulog na. Totoo, nabubuhay tayong lahat sa pagsunod sa mga pamantayan na ang ibig sabihin, ang tama, kadalasan ay nasusukat sa “kung ano ang ginagawa ng mas nakararami.” Wala namang mali sa prinsipyong yan, ang totoo kampante tayong makakaasa na may mga masasamang tao o bagay man dito sa mundo, hinding-hindi pa rin ma-o-over-populate ang mabubuti, at kung dumating man yun, siguro ay yun na yung sinasabe sa Bibliya (o kung anuman ang banal na librong pinaniniwalaan natin) na Armageddon, o Second Coming, o kung anek-anek pang mga versions na ang suma total, lilipulin ang masasama para muling maghari ang Lumikha sa mundo. Back to zero kumbaga, (disclaimer, hindi ako Aethiest or something, with a ‘twang’, nagkataon lang na pagdating sa pagsusulat, masyado akong straightforward, direct-to-the point, o deretsahan kung magbitiw ng salita).At pangalawang disclaimer,nagsusulat lang ako pero hindi ako manunulat. Pero gayunpaman,isinasabuhay ko pa rin ang prisipyo mg Journalismo na magsulat para magpahayag, hindi para magpasikat, sa salitang ingles, “writing to express, not to impress.” Ayown!

Siguro tinanong mo na rin ang sarili mo minsan nung estudyante ka pa kung bakit kailangan mong  ipasatsat ang stylish mong long hair para hindi ang mayabang mong C.A.T teacher ang mag-eksperimentong gumupit sayo at hindi ang lisensyado mong paboritong barbero? Oh kung bakit ba kailangang mag-suot ng uniporme mong jologz eh ang sarap pumasok sa eskwela na suot ang cool na cool mong mga porma? Oh kung bakit bawal mong palitan ng paborito mong NBA lace and official I.D. lace nyo kundi guidance office ka. Oh kung bakit kailangang ganoon, ganito etcetera,etcetera. Maraming mga “Bakit?” tayong naiipon sa isip natin kapag nahihirapan tayong sumunod. Pero isipin natin, kung hindi ba tayo nagpilit sumunod sa paunti-unting batas ng maangas nating C.A.T teacher noon, may nadagdag kaya tayong kaalaman sa maliit nating pagkakakilala sa salitang disiplina? at aminin mo rin, nung mag-champion ang school nyo sa basketball o sa cheering competition, o tumbang preso, o piko o chinese garter o anuman yan laban sa ibang school diba “proud” ka na suot mo ang uniporme mo? At tanggapin na natin, isuot mo man ang I.D. lace ng paborito mong NBA team na Chicago  Bulls noon, walang magyayaring paranormal event na magbibigay sayo ng kagalingang mag-airwalk kapara ni Michael Jordan. Tanggapin na natin mga kapatid, masyado lang tayong nagmama-pogi o nagmamaganda pag minsan kaya nahihirapan tayong sumunod kase sarili lang natin ang nakikita natin kadalasan, at hindi ang whole picture sabe nga. May mga pagkakataon din naman na ginagamit natin ang prisipyo ng “pamantayan” sa maling paraan. Halimbawa, umaaangal tayo sa magulang naten noong mga bata pa tayo na kailangan na nating bumili ng bagong sapatos kase lahat ng mga kaibigan mo nagsibilihan na ng mga bagong sapatos na imported,wag ka na umepal, pag ibinalita sa tv o dyaryo na titigil nang mag-import ng anumang uri ng sapatos ang pilipinas mula bukas saka ka mag-panic buying tsaka anong problema mo? May palengke naman, o bangketa, o divisoria?diba? Oh kaya naman dati naisipan mo ring kumuha ng culinary arts sa college kase yun ang kukuning kurso ng karamihan sa mga friends mo. Sosyal! Eh simpleng scrumbled o sunny side up nga nung una pinagtanong-tanong mo pa.

Pero sa totoo lang, minsan may mga pagkakataon na talagang mahirap sumunod. Ito ay karaniwang nangyayari kapag inaabot tayo ng katamaran, at ibang katamaran ang tinutukoy ko rito, hindi yung pakiramdam na ayaw nating idilat ang ating mga mata at bumangon kahit limang beses na tayong minumura ng wake-up alarm natin sa gilid ng kama na kung nakakakilos lang malamang benembang na tayo ng headboard ng kama. Ang katamaran na tinutukoy ko rito ay yung kawalan natin ng gana na imulat ang ating kaisipan at hukayin ang mga makatarungang dahilan kung bakit nga ba kailangan nating sumunod at makibagay sa mga itinakdang pamantayan ng teritoryong ating ginagalawan gaano man ito kalaki o kaliit. Noong una kong marining ang sikat na kalakaran sa pagsasanay para maging isang magiting na sundalo o alagad ng batas na nagsaasabing “Obey Before You Complain”, napamura ako sa isip ko. Masyado naman yatang maangas ang dating? Pero kung kakalma ka at hihimayin mo ang panuntunang yan, mapapagtanto mo na wala naman palang mali. Maliban na lang siguro kung araw ng April Fools baka pa. Pero kung nasa giyera ka at sinigawan ka ng Heneral mo na dumapa, hindi ka sasagot at sasabihing “Maputik Ser, wala akong extrang uniporme.” Kung sundalo ka at ginawa mo yan, malamang hindi mo na nababasa itong artikulong ito ngayon dahil abala ka nang makipag-jack en poy kay Casper kung close kayo.

Minsan nakatayo ako sa kanang gilid ng kahabaan ng Gil Puyat sa may Taft avenue at unang beses kong napagtuunan ng pansin ang  isang malaking sign sa may island na naghahati sa magkabilang lanes—BAWAL TUMAWID. NAKAMAMATAY. Napangiti at napailing na lang ako. Kailangan pa ba talagang ilagay ung salitang NAKAMAMATAY para pagtiyagaan ni Juan na akyatin ang overpass para makatawid sa kabila? Eh pano kaya kung palitan natin yung salitang NAKAMAMATAY halimbawa ng NAKAKATIGYAWAT o NAKAKAPANGET o NAKAKAKALBO? Hindi pa ba sapat ang babalang BAWAL TUMAWID? Tatlong tanong pa ang pumasok sa isip ko—Bobo ba ang Pinoy? O matigas lang talaga ang ulo? O all of the above? Napabuntong-hininga na lang ako ng konti, mabuti na lang sa salitang tagalog nakasulat yung babala, hindi sa Ingles. Natawa tuloy ako, kung nakalagay kaya yun sa salitang ingles at nabasa ni Andrew Zimmern nung dumalaw sya dito sa Pinas para sa isang segment nya sa Discovery Travel and Living, malamang malunok nya ng buo ang balut na tinikman nya. Pero humirit na lang ako sa isip ko, masyado lang siguro talagang makalinga ang Pilipinas sa mga mamamayan nito, kumbaga parang mga Nanay lang natin na kung makapag-tagubilin eh halos abutin ng mga more than one thousand words na ang gusto lang naman sabihin pag minsan eh “Aalis ako, luto na ang almusal mo andyan sa mesa, yung perang baon mo andun sa ibabaw ng drawer .” Simple, intiende,  tapos! Pero kadalasan hindi lang yan sinasabe nila, marami pang mga chechebureche na kung susumahin mo eh yun lang din naman ang laman. Hindi kaya pwedeng “text text na lang.”? Speaking of Nanay, siguro kailangan ko nang humiga at magkunwaring tulog. Mag-aala-sinko medya na at ilang minuto pa ay babangon na si Nanay para mag-litanya na naman ng mga bagay na apat na araw ko nang naririnig sa kanya mula nang dumating ako dito mula sa syudad—“Hindi ka na naman natulog, puro ka internet, mamaya hapon na saka ka pa lang kakain ng tanghalian (diba dapat hapunan nay un?)..blah.blah.blah..atbpa.”

Pero bago ko batiin ng “goodnight mwuah” ang papasikat pa lang na araw, gusto ko lang ulit ibahagi ang moral lesson na natutunan ko—na hindi natin lagi kailangang hamunin ang batas, o kautusan,, o panuntunan bago natin ito sundin dahil sabe nga ng lead singer ng Danish band na MLTR na si Jascha Richter—“Someday Its Gonna Make Sense.” Kapara ngayon.

*USAPANG IPIS ang original na pamagat ng artikulong ito, nainspired akong magsulat matapos kong makipagdigma gamit ang Cockroach killer sa dalawang ipis na nakita ko kanina sa kusina nang magtimpla ako ng kape,pero ewan kung bakit nauwi sa Usapang No Jaywalking, siguro next time na lang.   MiggyNeutron

Published by: Miggy Neutron

I am Miggy Neutron. In my head are more than one hundred billion brain cells just as much as yours. Hidden in some of these cells are my unspoken hopes, dreams, sentiments, fears, curiousity and thousands of few more unnamed ones sleeping in the center of my subconcious mind which I hope to name before I leave this existence- some, if not all. I once wondered how big my head would have swollen up to if every single one of these thoughts are matchboxes-thus born my pen name Miggy Neutron (inspired by Jimmy Neutron). And why not matchboxes? I love watching cartoons and animes as an adult and I don’t feel an ounce of guilt from it because that is my alter universe. I missed Samurai Jack, Dexter’s Lab, the original Powerpuff Girls and the evil heart of Mojo Jojo. I love watching The Amazing World of Gumball too because I think life in Elmore is very interesting. Though I don’t really like cats as much as I adore Gumball Watterson and his mom Nicole. If you want to see my eyes spark, talk to me about the galaxies, outerspace, the stars, the planets, the massive blackholes and anything from the universe to infinity and beyond. Yes, I am a weirdo sometimes but I also step into noisy bars, party like Jay Gatsby enjoy drinks and get more sober with shots of whiskey. You can stand beside me and talk about how some saturated carbon atoms bind with other elements and how it gets a stranger to come to talk to another stranger against the loud bass in the middle of the crowd. And you will not regret that you did. I am a professional Teacher by accident, a Banker by profession, a seasonal skater because I want to surf recklessly sometimes from where I get a little taste of freedom, and by heart, I am a true-blooded Gemini, not to justify my double sided personality. In a nutshell, I am just like you, and just like everybody else-someone who was born trying to live life and hoping to leave a small mark in the end. And of the billion people born and yet to be born, my fingerprint and yours cannot be duplicated, not even by super Science, and by this I would like to tell you that just like me, you are special. You are special in your own ways and that is the reason why you do matter. You do matter a lot inside this small blue dot called Earth.

Categories UncategorizedTags, , , , , , , , , , , 18 Comments

18 thoughts on “NO JAYWALKING”

  1. Great job Miggy Neutron! or is it Jimmy Neutron?..this post has both substance and humor!,,you sound like Bob Ong?? 😉

    1. thank you james for the reply. whew. it took me three years to reply.haha.i happened to forget my wordpress address and i’ve been writing on my journal instead. i will have loads of writings transferred on this blogsite soon :))<

  2. Wow.aksidente lang po ako napadaan sa blogsite nyo pero di ko napigilang tapusin pag-babasa.hehe.nakalimutan ko tuloy yung original na sini-search ko.hehe.pero nag-enjoy naman po ako 😉 Thanks Mr. Neutron!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s