Si Megan at Ikaw: PART TWO


Ang oras ngayon ay apatnapu at apat na minuto makalipas ang hating-gabi. Ang petsa ay ika-labing anim ng Agosto, taong dalawang libo at labing lima. Katatapos ko lang ng isang stick ng yosi sa labas habang hinintay si Tootsie mula sa kanyang gabihang ritual(arawan kung araw). Si Tootsie ay ang alaga naming aso dito sa bahay ng mga pinsan ko na sobrang mahal namin, at sa totoo lang, parang siya na ang bunso sa pamilya. Tuwing gabi, nag-aaya siyang lumabas para gawin ang bisyo nya-ang diligan ang gilid ng pader sa labas (hindi halaman), yung paboritong spot nya, minsan, hindi lang pagdidilig ang ginagawa ni Tootsie, nagtatanim din sya (hindi halaman-ulit)-alam nyo na siguro ang ibig sabihin ko dito- Combo! Pero ang nakakatuwa kay Tootsie, mas inuuna nya magdilig kesa magtanim (hindi ng halaman nanaman ulit). Kung anuman ang dahilan, hindi ko alam. Minsan, mahirap talaga unawain ang prinsipyo ng mga aso, pero lets just leave it all to them. Siguro ay masyado pang musmos ang isip nating mga tao para maunawaan ang mga aso. Bago, pa ako magkwento ng sangkaterba tungkol sa household Superheroine naming na si Binibining Tootsie, (yep, dalagang aso si Tootsie, dalagang-dalaga at hindi pa siya nagkaka-boyfriend kase may pagka-istrikto kami) puputulin ko na ‘to dahil hindi naman siya ang bida sa kwentong ito kundi, ahem, ikaw syempre. Matapos ko kaseng ubusin ang yosi ko at sigawan si Tootsie na “Tootsie! Pasok!”, animo tao siyang sumunod at laglag ang dalalawa nyang balikat (o siguro apat ang balikat nya? Di ko sure) na lumakad papasok sa gate,eh naisipan kong tapusin ang kwento natin. Natin. Mo at ko.

Replay. Replay. Mula sa pagpunta naming magpipinsan sa isang bar sa Eastwood na nauwi sa pagkain ng Mexican Nachos sa Cowboy Grill sa Maynila na nauwi sa pagpaplano ko na gumawa ng Mexican Nachos sa tulong ng google-nakita kita sa Glorietta! Hindi talaga ako makapaniwala noong una, pero nung lapitan kita, saka ko nakumpirma na ikaw nga pala talaga. Fireworks ulet-yung may naghuhgis puso na kumukuti-kutitap at may kasama pang music ngayon-kahit anong music basta maganda. Hindi ko na masyadong matandaan yung mga eksaktong detalye nung araw na yun, basta ang alam ko, tayo na!

Fast forward. Fast forward. Sobrang saya ko na mula ng araw na yun. Sabi ng mga kaibigan ko, magaling daw ako pumili. Minsan, halos tatlong araw tayong magkasama sa loob ng isang lingo. Saan-saan tayo pumupunta. Dalawang linggo pa lang mula ng maging tayo pero may unforgettable moment na tayong dalawa. Araw ng Sabado yun, pumunta tayo sa isang restobar sa gilid ng Mall of Asia kasama ang tropa ko. Petes Place ang pangalan ng restobar na sobrang paborito naming puntahan dahil sa exceptional customer service ng mga waiters at waitresses doon-yung tipong bago mo sabihin yung gusto mo, alam na nila, hindi naman sa sinasabi kong meron silang extra sensory perception kase ibang kwento na yun. Basta, sobrang babait nila at sana wag pa sila kunin ni lord kundi malulungkot ako.hehe. Minsan naalala ko, nakipag-pustahan ako sa tropa ko. Kumuha ako ng malinis na tissue at pinahid ko ang pawis ng bote ng beer ko at hinawakan ko lang ulit.
Ako: Bok, pustahan tayo?
Bok: Sige, tara! (Sa isip-isip ko lang, gagong to, nakikipag-deal na agad hindi pa alam kung ano ang pustahan, laseng? haha).
Ako: Kukunin ko yung number nya. (sabay nguso ko sa kabilang table,kasalukuyang nasa kabilang table si Jennica Garcia (pero mas maganda at hot pa rin ang mama nyang si Jean Garcia syempre) kasama ang ilang mga non-showbiz na mga kaibigan nya siguro at yung isang lalaking artista na loveteam nya sa TV at sa totoong buhay na rin siguro pwera chismis, basta artista siya na di ko na maalala ang pangalan, pero basta kasing pogi ko siya.haha)
Bok: Baliw! (sabay middle finger sakin)
Ako: Haha. Joke lang. Nakikita mo tong ginamit kong issue?
Bok: Hindi pa ako lasing. Ulol.
Ako: Gago that’s not my point. Makinig ka sakin ok?
Bok: Ok. Wats up?
Ako: Itong tissue na ‘to, ilalagay ko diyan sa mesa.
Bok: Ok? (kunot nuo)
Ako: Makinig ka- ilalagay ko ‘tong tissue na ‘to jan sa mesa , hindi lalagpas ng five minutes, may lalapit na waiter para kunin yan.
Bok: Ok, so anong pustahan?
Ako: Pag walang waiter na pumansin sa tissue bago matapos ang limang minuto, talo ako, pero kapag may lumapit at kumuha nitong tissue bago matapos ang five minutes, ikaw ang talo at sagot mo ang isang bucket na kasunod ng iniinom natin? Deal?
Bok: Ok. Deal! Pero teka,saglit, pag kinuha yung tissue after five minutes and one second ibig sabihin talo ka na?
Ako: Oo.
Bok: Tapos?
Ako: Eh di talo ako. Loser. Ganun. (Painosente ako dahil libre naman nya talaga ang inuman at wala akong pera haha)
Bok: Eh tangina mo pala eh ako naman talaga ang magbabayad ng bill natin dahil ika-card ko dahil wala kang perang kuripot ka haha? (murahan ang peg ng bromance namin nitong tropa kong ito).
Ako: Tumpak! So at least may bragging rights ka na panalo ka at talo ako. Haha. Yun eh kung mananalo ka.
Bok: ( di na sumagot kundi isang middle finger na naman ang binigay sakin, yung left hand naman this time habang ang right hand nya ay nag-ooperate ng cellphone nya para sa timer).
Ako: Ok. Watch! (Timer started).

Ipinatong ko ang crumpled tissue sa gilid ng sizzling plate ng pulutan naming sisig at back to conversation na ulit kami habang nasa table ang cellphone nya na may countdown timer. Kwento. Kampay. Three minutes and I don’t know how many seconds, andun pa rin si tissue! Takte!. Kumakabog na ang dibdib ko. Crap, don’t fail me Pete’s Place. Four minutes and something seconds,ang bilis ng mga pangyayare, mula sa likuran ko ay isang kamay ang banayad na dumampot ng tissue sa mesa, biglang parang nag-slomo ang lahat at pagtingala namin, isang nakangiting waitress ang bumati samin, yung ngiting pang-flight attendant at nagtanong “ Sir, i-refill ko lang ‘tong ice bucket nyo saglit?”. Napatango na lang kami ng sabay at hindi na nakapag-salita. In short, I won! Ganun katindi ang Pete’s Place, seryoso. Pero hindi ito yung unforgettable moment natin na tinutukoy ko dito kundi ito eh yung mula sa Pete’s Place pagkatapos naming uminom,dahil hindi ka naman umiinom, napagtripan nating maglakad sa malawak na mga bakanteng mga lote sa kapaligiran ng Mall of Asia para mag-shortcut papuntang Macapagal at dun na sumakay ng taxi kasama ang tropa ko. Ewan kung bakit eh ang dami namang taxi sa gilid ng mall dahil lagpas alas dos na ng madaling araw. Siguro trip lang talaga, pampababa ng tama. Mula sa seaside, naglakad tayo habang nagkukwentuhan. Kwentuhang walang kwenta.haha. Una sementado, kasunod, medyo mga tambak na buhangin na nilalakaran natin, hanggang sa maging lupa na ang nilalakaran natin at yung huli na ang matindi-namalayan na lang natin na naglalakad na tayo sa gitna ng matataas na mga damo. Masyado yata tayo nawili sa pagkukwentuhan at napunta tayo sa kagubatan? Huminto tayo at tumanaw sa paligid, natanaw ko ang maliliit na poste ng mga ilaw sa may parking lot ng Mall of Asia na animo mga maliliit na ilaw na lang ng Christmas lights,sa bandang unahan, matatanaw naman ang mataas na lighted rectangular sign ng Bluewave sa Macapagal na halos singsukat na lang ng kahon ng posporo sa paningin ko. Bigla tayong na-stuck sa isang sitwasyon na kailangan nating magdesisyon at mamili sa dalawa. Option one: lumakad pabalik sa dinaanan natin na di hamak na mas malayo, o option two: ipagpatuloy ang paglalakad sa gitna ng talahiban para muling makarating sa sementadong kalsada ng Macapagal. Dahil medyo tipsy at makulit na kami at naghahanap ng konting thrill, syempre pinili namin yung pangalawa. Matapos umakyat ng sampung bundok at tumawid sa sa tatlong ilog na puno ng matatapang na mga buwaya, nakarating tayo sa sibilisasyon! Macapagal Avenue. Boo-yeah beybah! Hindi, lang bumaba ang tama namin, halos nawala pa kalasingan namin. Kung ikaw ang maglalakad sa madilim na kagubatan na walang ibang ilaw kundi ang flashlight ng cellphone at mag-alala na baka makaapak ka ng natutulog na anaconda o kaya dragon o kaya dinosaur, ewan kung hindi mawala tama mo. Ang good news: hindi kami nakaapak ng natutulog na anaconda, o dragon, o dinosaur nung gabing yun. Pero kinabukasan ng hapon pag-gising ko, tinanong ako ng Nanay The Second ko (ito ang tawag ko sa Tita ko na kapatid ng Nanay ko na sobrang parehong mag-alaga at mang-baby pag minsan). Saan daw ba ako nanggaling at may mga nakadikit na mga bulaklak ng amorseko sa pantalon at medyas ko na napansin nya bago isalang sa washing machine. Muntik ko nang sabihing hinabol ako ng dambuhalang Oso mula sa bar na pinuntahan ko hanggang makarating ako sa kagubatan pero syempre hindi ko na sinabi kase baka pati ako eh isalang nya sa washing machine kasama ng mga labahan, di pa naman ako magaling lumangoy. haha. Pero sobrang unforgettable yung gabing yun lalo na at kasama kita!
Lumipas pa ang mga araw, linggo, at buwan. Palagi pa rin tayong magkasama. Ang pinakagusto ko sa’yo eh yung kahit san kita isama, wala kang problema. Kumbaga, hindi ka high maintenance. Lalo pa kitang minahal at pinahalagahan.

Nagdaan ang mga araw, linggo, at buwan. Isinama kita kung saan-saan. Sa trabaho, sa lakwatsa, sa gimik, sa pag-i-skates at minsan isinama rin kita sa buwan para mag-vandal sa US Flag na iniwan doon ni Neil Armstrong kaso gabi na at kailangan na nating umuwe kaya hindi na natin nagawa. Minsang namamasyal tayo sa mall, di ko maiwasang tumingin-tingin sa iba. Pero kapag naiisip ko yung mga masasaya at malulungkot kong pinagdaanan sa buhay ko na kasama kita, napapatingin ako sayo at naiisip ko na ayoko nang mawala ka sakin dahil parte ka na ng buhay ko at ayaw kong ipagpalit ka sa iba kahit pa alam kong darating yung araw na baka magpagod ka na sakin at bumitaw ka na pero ayokong isipin dahil nalulungkot ako.

Habang lumalakad ang panahon at tumitibay ang pagsasama natin, naisip ko na  baka ikaw na ang makakasama kong maglakad at humarap sa altar kapag handa na akong magsimulang mabuhay sa bago kong magiging mundo? Minsan, hindi ko maiwasang isipin na posible naman siguro, pero posible ding hindi. 50-50 chance kumbaga.

Tatlong taon ang mabilis na nagdaan. Maraming mga nangyari. May mga nadagdag sa buhay ko, may mga nabawas.May mga nawala. May mga nanatili. May mga nang-iwan at may isang bumalik. Ikakasal na ako. Sa wakas.

Habang naglalakad ako papunta sa may unahan ng altar para hintayin kong iabot sa akin ng kanyang mga magulang ang babaeng papakasalan ko at makakasama kung bumuo ng sariling pamailya,makakasama ko sa hirap at ginhawa, sa pagluha at pagtawa, naisip kita bigla. Hindi ikaw ang kasama kong maglakad sa altar. Nakaramdam ako ng konting lungkot. Pero kahit ganun, alam kong masaya ka para sa akin, dahil alam mo kung gaano na ako kapagod at nasaktan ito na ang katapusan ng lahat ng yun.Naisip ko na sana, yung babaeng makakasama ko habangbuhay ay kapara mo rin. Yung sasamahan ako kahit saan. Sa north sa south, sa east sa west, at sana, sa buwan para matuloy na ang vandalism na gusto ko. 🙂

Tatapusin ko na ang pag-se-senti ko at kailangan ko na ring tapusin itong kwento. Basta ang masasabi ko lang, sa lahat ng mga sapatos na nabili ko at bibilhin ko pa, ikaw na yung pinaka-the best at hindi ko malilimutan, hindi ko alam kung bakit pero siguro, dahil nakasama kita nung mga panahong sobrang labo ng mundo para sakin na minsan naisip ko na sana meron akong higanteng kamay at bibigyan ko ng isang higanteng middle finger ang mundo, pero sa bandang huli, narealized ko na hindi naman pala talaga yung mundo ang malabo kundi minsan, dinadaya lang tayo ng ating sariling mga damdamin at kung mag-iisip-isip tayo malalaman natin na hindi naman pala totoo na unfair ang mundo at kusang hahanap ng paraan ang mga pagkakataon para bigyan ng hustiya ang sinumang nasagasaan o naapakan o naapi. At kahit pa hindi ko na siguro makikita sa personal si Megan Fox, at kahit pa hindi  ikaw ang nakasama kong tumayo sa altar dahil mas bagay daw ang high cut black converse sa wedding get-up ko na funky ang dating, alam ko, kung may puso at damdamin ka lang sana, na masaya ka para sakin. At kung masaya ka para sakin ngayon, sana hayaan mo na akong tapusin ko ang kwento nating ‘to dahil gusto ko nang magkape, magyosi, at lumipad papunta sa buwan.

— E.N.D.–

**credits sa Junior Handyman na sobrang tahimik, sobrang lalim, sobrang talino, at sobrang bait kong kid cousin sa pagtulong sa pag-upload ng blogbost na to, at ganun na rin sa pag-ayos nya ng nasira kong cellphone, nasira kong laptop, nasira kong camera, nasira kong pag-iisip (lol) etc. Hey Jude!

Published by: Miggy Neutron

I am Miggy Neutron. In my head are more than one hundred billion brain cells just as much as yours. Hidden in some of these cells are my unspoken hopes, dreams, sentiments, fears, curiousity and thousands of few more unnamed ones sleeping in the center of my subconcious mind which I hope to name before I leave this existence- some, if not all. I once wondered how big my head would have swollen up to if every single one of these thoughts are matchboxes-thus born my pen name Miggy Neutron (inspired by Jimmy Neutron). And why not matchboxes? I love watching cartoons and animes as an adult and I don’t feel an ounce of guilt from it because that is my alter universe. I missed Samurai Jack, Dexter’s Lab, the original Powerpuff Girls and the evil heart of Mojo Jojo. I love watching The Amazing World of Gumball too because I think life in Elmore is very interesting. Though I don’t really like cats as much as I adore Gumball Watterson and his mom Nicole. If you want to see my eyes spark, talk to me about the galaxies, outerspace, the stars, the planets, the massive blackholes and anything from the universe to infinity and beyond. Yes, I am a weirdo sometimes but I also step into noisy bars, party like Jay Gatsby enjoy drinks and get more sober with shots of whiskey. You can stand beside me and talk about how some saturated carbon atoms bind with other elements and how it gets a stranger to come to talk to another stranger against the loud bass in the middle of the crowd. And you will not regret that you did. I am a professional Teacher by accident, a Banker by profession, a seasonal skater because I want to surf recklessly sometimes from where I get a little taste of freedom, and by heart, I am a true-blooded Gemini, not to justify my double sided personality. In a nutshell, I am just like you, and just like everybody else-someone who was born trying to live life and hoping to leave a small mark in the end. And of the billion people born and yet to be born, my fingerprint and yours cannot be duplicated, not even by super Science, and by this I would like to tell you that just like me, you are special. You are special in your own ways and that is the reason why you do matter. You do matter a lot inside this small blue dot called Earth.

Categories Talino, Tamad, Uncategorized2 Comments

2 thoughts on “Si Megan at Ikaw: PART TWO”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s