Mga Kwentong Bulalo, Cheeseburger, At French Fries Na Walang Ketchup


September 9, 2015. Miyerkules. Alas dos ng madaling araw. Di ako makatulog. Gusto ko ng mainit na bulalo pero mukang suntok sa buwan yun sa mga oras na ‘to. Mainit na cup noodles na lang na bulalo flavor? Pwede. Bumangon ako. Binuksan ko ang overhead cabinet sa taas ng lababo para hanapin ang mahiwagang bulalo cup noodles na kasama sa mga huli kong binili sa grocery, umaasam na sana, may natitira pa. Bago ko buksan ang cabinet ay nag-pray muna ako ng mabilis na sana meron pa. haha. Matapos ang may isang minuto kong pagkapa-kapa sa cabinet, narealized ko na merong bulalo cup noodles—doon sa 7-11 sa baba dahil wala na palang natirang cup noodles sa cabinet ko. Anak ng tipaklong! Siguro kinain na ni Ironman. Sad mode ng mga five seconds. Ambait talaga ni lord sakin. Pero gusto ko talaga ng bulalo. Cup noodles. Kamot sa baba. Isip. Binuksan ko ang ref, ngumiti sakin ang  frozen pork at chicken sa gitna ng makapal na nyebe. Isinara ko ang ref at binuksan ko ulit umaasang may magic na mangyayari at biglang mapupuno ng masasarap na pagkain na ready-to eat kaso walang nabago. Haha! Kamot ulit sa baba.Gumawa ako ng formula: bababa ako mula sa fourth floor PLUS  lalakad papuntang 7-11 PLUS bibili ng bulalo cup noodles PLUS lalakad pabalik ng building PLUS aakyat ulit pabalik sa fourth floor EQUALS Bulalo Cup Noodles! Viola! Pero iniisip ko pa lang ay nahihilo na ako. At tuluyan na akong nahilo kaya hindi na lang ako bumaba. Sad mode ulet ng mga three seconds na lang. Erase the formula. Haha. Masipag ako. Sobra. Well, masipag akong mag-isip kaya naman pagkasalta ko pa lang nung first year college eh naging Editor agad ako ng isang section ng University Publication namin dahil sa kung anu-anong mga articles na naisip kong isulat nung pinag-submit ako ng mga piyesa tapos pagkatapos ng dalawang taon eh umepal na akong maging co-Editor-in-Chief dahil ang Editor-in Chief namin eh mamamaalam na, (hindi para makipagkita kay lord ang ibig kung sabihin kundi dahil gagradweyt na sya). May kasamang yabang ‘to pero totoo. Totoo na mayabang ako, este, totoong pinaka-pogi, este, pinaka-inosente akong naging Editor-in-Chief ng University Publication namin noong panahon namin. Ang title ng University Publication naming eh Pugad Baboy. Haha. Joke. Pero etto totoo na talaga, inaamin ko naman na talagang may katamaran ako kapag minsan. Minsan lang naman. Sa loob ng isang linggo eh may mga araw lang talaga na tinatamad ako, lalo na sa mga araw na nagsisimula sa letter “T”-kapara ng Tuesday, Thursday, Twensday, Triday, Taturday at Tunday. Haha! Joke ulet.  At dahil nasimulan na ko ng sa usapang katamaran ‘to eh hindi ko na muna gagawin ang usapang ipis na apat na taon ko nang gustong isulat pero pramis next time mga ipis na ang bida sa kasunod na kwento ko.

Usapang katamaran. Bow.

Minsang wala akong magawa, ini-google ko ang salitang katamaran o laziness. Ito ang sabi ng Wikipedia:

LAZINESS:  (also called indolence) is a disinclination to activity or exertion despite having the ability to do so. It is often used as a pejorative; related terms for a person seen to be lazy include couch potato, slacker, and bludger.

Kung isasalin natin sa tagalog eh ito ang katumbas:

KATAMARAN: (kilala rin bilang kapogian) ay ang katangian ng isang lalaki na pinagkalooban ng kagwapuhan. Ito ay kadalasang ginagamit para bumighani ng iba. Ang iba pang tawag sa taong may kapogian ay igop o gwapings; ang ilan sa kanila ay mahilig sa French fries na gawa sa patatas (malamang) na walang ketchup, at mahilig din sila sa McDo Cheesebludger, este-Cheeseburger pala 🙂

Ngayong nabasa mo na ang ibig sabihin ng katamaran at nalaman mo na rin ang sarili kong translation nito sa salitang Filipino, pustahan aamin mo nang may katamaran ka rin, wag ka nang pakipot dahil ako inaamin ko naman tulad ng sinabi ko sa taas na “kadalasan”, may katamaran ako, at mahilig ako sa Cheeseburger at French fries na gawa sa patatas (malamang) na walang ketchup. Haha!

Etto seryoso na talaga. May pag-chi-chismisan tayo ngayon tungkol sa topic natin na ‘to. Wag ka na lang maingay kase baka magalit siya. Baka kilala mo siya. Baka rin hindi. Kung excited ka nang makilala kung sino siya eh sasabihin ko na sayo. Ang pag-uusapan natin ngayon ay walang iba kundi “Ako”. Mismo. Lalayo pa ba tayo? Wag na diba? Mahal ang gasolina 🙂

Madalas i-associate ang salitang “tamad” sa pangalan ko sa loob ng bahay namin noong bata pa ako. Hindi naman ako apektado dahil sa loob lang naman ito ng bahay namin at ang mga kapatid ko na kaasaran ko lang naman kadalasan ang bumabato sakin nyan.

Lagi akong nasasabon ng ate ko nung highschool pa ako sa tuwing iiwan kong hindi maayos ang kama ko. Ang katwiran ko sa isip ko, pagkatapos ng mga labing-limang oras eh babalik din naman ako sa kama ko para matulog kaya bakit mag-aabala pa akong ayusin ng sobrang ayos ang higaan ko eh guguluhin ko rin naman ulit ito saking pagtulog (noong wala pa akong insomia). Basta ang mahalaga eh malinis at mabango ang unan at kumot ko ( Salamat ‘Nay, Labyuu :* ). Tama na yung tupiin ko ang kumot ko ng pabara-bara lang at hindi yung tipo ng pagtutupi na pantay na pantay lahat ng kanto nito na kala mo isisilid ito sa isang packaging plastic eh “not for sale” naman ang mahal na mahal kong kumot, o isasalansan ang mga unan ng sobrang ayos na kala mo idi-display at ibebenta eh “not for sale” din ang mga unan ko pero pwedeng “for rent” at your own risk.haha! Pero dahil ayoko ng argumento at alam kong di naman ako mananalo sa ate ko tulad ng hindi pagpapatalo ng mga babae sa mga argumento laban sa mga lalake, nanahimik na lang ako kapag minsan pero kadalasan eh tinatakbuhan ko na lang siya dahil alam ko naman na kapag nagtago ako sa likod ni Nanay eh wala nang makakalapit na sinumang villain sa akin sa loob ng bahay, kahit pa si Green Goblin. Haha!

Pagdating sa pag-aaral, masipag naman ako. Hindi lang sa dahil sa gusto kong magpasikat o kumuha ng recognition, kundi dahil gusto ko lang talagang matuto (palakpakan haha). Pero sa totoo lang, yun talaga ang totoo (parang redundent itong sentence na ‘to pero tinatamad akong mag-backspace haha). Masyado akong curious malaman ang mga bagay-bagay noon, at hanggang ngayon naman. May pagka-weird nga daw ako sabi ng ilan kong mga kakalase. Pero nung nag-college ako, may isa akong natutunang bisyo-tamad akong magsulat. Hindi naman sa tamad talaga akong magsulat kundi hindi ko lang trip yung isusulat ko lahat ng makikita ko sa blackboard o isusulat ko lahat ng sasabihin ng professor ko word for word. Una, hindi lahat ng isinusulat ng professor sa blackboard ay mahalaga kase minsan may joke din, haha, pangalawa, hindi ako court stenographer at hindi court judge ang professor ko para isulat ko ang mga sinasabi nya word for word dahil nasa classroom kami at wala sa korte. Ang punto ko lang naman eh, bakit ko kailangang magpagod at mapasma at isulat lahat ng mga nasa reports ng mga kaklase ko na nakasulat sa manila papers o lahat ng isinusulat sa blackboard ng professors ko kung nasa libro naman ang mga ito na meron ako, sila, at kaming lahat.  May notebook ako, pero sobrang bilang ang mga pages ng mga notebooks ko na may sulat, karamihan sa mga ito eh may mga drawings o sketches ng kung ano-anong bagay, tao, lugar, o pangyayari, kadalasan itong nangyayari kapag bored ako at minsan pa nga, napag-tripan ko pang i-sketch and natutulog kong professor sa subject kong (secret na lang kase baka malaman nya haha) habang nakaupo at nag-o-observe sya sa pag-re-report ng isa kong kakalase sa unahan, o ang ilan sa mga kaklase ko na napagtripan kong i-sketch habang nakatalikod sakin. Palagi ako sa pinaka-huling linya ng mga upuan sa likod ng classroom, yun ang comfort zone ko. Nung alphabitical order and seating arrangement nung first sem ng first year college ako eh hindi ko maiwasang mag-wish na sana sa letrang “Z” nagsisimula ang apelyido ko. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil kung hindi sa seating arrangement na alphabetical order eh hindi ko naging College bestfriend si Jeven na hanggang ngayon eh bestfriend ko pa rin kahit madalang kaming magkita at ang kumpare kong si Medel na ngayon ay isa nang magiting na alagad ng batas na naging dahilan para maging miyembro ako ng Patak Club na nabuo matapos ipatawag ng University Guidance Officer ang mga magulang namin dahil sa kalokohan(daw) naming ginawa matapos ang swimming practicum para sa Physical Education (mahabang kwento pero next time kukwento ko ng buo).

Noong unang salta ko sa college, naisip ko na tamad pala ang mga professors kase, yung mga estudyante nila kadalasana ang pinagtuturo nila sa unahan at umeepal na lang sila ng pakonti-konti sa discussion. Pero isip highschool pa ako noon at kalaunan eh narealized ko na hindi naman pala talaga ganoon, kundi sinasanay lang nila ang mga estudyante na mag-research at mag-discuss sa unahan para ma-develop ang kanilang skills na Kage Bunshin no Jutsu.Haha. Pero isa lang ang naalala ko, yung notebook ko sa Geography ang may pinakamaraming drawings, pasintabi sa Geography Professor ko.haha. Going back, pag alam kong importante at kapag alam kong hindi ko naunawaan ang pinag-uusapan sa discussion sa classroom, doon nagsisimulang gumana ang kasipagan kong magsulat, para kapag hindi na overloaded ang utak ko kakaisip (kung sino ang mga posibleng matinding makakalaban ni Chris Benoit para sa belt sa mga matches ng Wrestlemania lalo na sa Royal Rumble), babalikan ko yun o kaya magtatanong na lang ako sa kaklase kong mas matalino sakin para maunawaan ko.haha.  Sa awa naman ni Albert Einstein ay wala akong ibinagsak na subject. Pero minsan mapang-asar yata ang tadhana dahil bago mag-final exam sa isang semester namin, walang kaabog-abog na pinagpasa kami ng notebook ng professor namin. Noong una ay kala ko nagkakamali lang ako ng narinig kaya pinaulit ko dahil ang alam ko, kapag elementary lang nagpapasa ng notebook para i-check ng teacher mo yung mga isinulat mo tapos sa huling page lalagyan lang naman nya ng pulang pirma nya tapos may date. Hanggang ngayon eh talagang hindi ko gets yun.haha. Pero seryoso ang professor namin.  Ako syempre ang pinaka-unang nag-panic. Good news: hindi naman pala ora-oramismong ipapasa ng araw ding yun, so kung  medyo cute ka, saktong cute o super cute, dito mo dapat papakinabangan yung  cuteness factor mo para yung mga admirers mong girls ang magsusulat para sa’yo hanggang mapuno yung notebook mo kahit iba-iba yung sulat nila. Bad news: hindi ako cute (humble po ako minsan hihi na may konting landi), kaya sariling dugo at pawis ang ibinuhos ko para lampasan ang challenge/ka-epalan na yun. Isa pang good news, hind ako na-dehydrate haha! May mga ilang pages na nidinikit ko na lang ang ginupit kong ilang pages ng pina-photo copy kong pages ng libro kase talagang ayokooooo na.haha. Problem solved. Pero may part two pa pala yung problema, (takte kala ko happy ending na) dahil matapos makita ng professor ko ang mala-doktor kong sulat-kamay ng up close and personal, kinausap nya ako matapos ang klase nang sumunod na session namin at binigyan nya ako panibagong problema, este, assignment pala. Pambihira! Ang corny naman kase (na may kasamang pagdadabog haha). Kailangan ko daw mag-submit ng isang writing notebook (yung pang-grade one na notebook na may mga lines na blue, red, and blue), kailangan ko itong punuin ng sulat ng small and capital letters from Aa to Zz sa sulat na cursive (dugtong-dugtong) from cover to cover. Medyo paborito ko yung professor kong yun pero biglang nabago ang pagtingin ko sa kanya ng mga sandaling yun, ewan kung bakit (may kasamang pa-inosente effect, haha). Ang punto nya eh magiging guro daw ako at kailangan kong magturo kung paano sumulat ng maayos (ang sakit-sakit-sakit-sakit-sakit pansit but truth hurts nga siguro talaga-datapwat-poknat). May punto naman sya at bigla ko tuloy naisip na pag naging teacher na ako tapos nagturo na ako tapos nagka-estudyante ako ng halimbawa eh bente tapos ang pangit ng sulat kong itinuro sa kanila tapos halimbawa nag-teacher din silang lahat tapos nagka-estudyante sila ng tag-bebente din halimbawa? Lets do the Math, ibig sabihin automatic na four hundred twenty na ang posibilidad magiging sulat-doktor plus ako pa pala so four hundred twenty one na agad ang result ng probability at isang school year pa lang yan. Nakaramdam ako noon ng creepiness haha! Good news: natapos kong punuin ng sulat ang writing notebook cover to cover at nai-submit ko bago mag-final exam tulad ng kasunduan. (For the record, hindi po ako nakarami ng nakain na JellyAce at StickO, at dalawa lang po ang nainom kong Chuckie, pramis po may kasamang puppy eyes-kase feeling ko bumalik ako sa grade three sa ginawa ko). Bad news: Hindi pa rin nabago ang quality ng sulat kamay ko. Haha. Conclusion: I tried. But I stumbled. Ang mental defense ko na lang eh, hindi nasusukat sa kagandahan ng sulat kamay ang talino o ang kakayahan ng tao. Isipin na lang natin si Albert Einstein halimbawa, pangit pa sa sulat ng doktor ang sulat nya pero isa syang henyo.

Bago pa tayo mapunta sa outerspace eh tutumbukin ko na ang gusto kong tumbukin sa usapang ito. Kelan ba natin masasabi na tamad ang isang tao at kelan hindi? May sarili akong pananaw  dito gamit ang 20/20 vision ko na walang contact lenses.Haha. Ang ibig kong sabihin dyan eh usapang matino at seryoso kase puro joke ako minsan kahit seryoso naman talaga ako. Pag- usapan natin si Juan Tamad na sumisimbulo daw sa likas na katamaran nating mga Pilipino (exempted tayong dalawa dito syempre, dahil hindi naman nila alam na pinag-uusapan natin sila kaya kunyari Chekwa tayo, hindi Pinoy-kunyari lang). Sabi nila tamad daw si Juan dahil hinintay nyang mahulog ang bayabas mula sa puno para makakain kesa akyatin nya ito. Pero teka, baka naman isang parte pa lang ng buong kwento ni Juan Tamad ang alam natin at hindi ang mismong kabuuan-kumbaga, trailer pa lang kaya wag muna natin husgahan. Para sakin, masasabing tamad nga talaga si Juan kung ramdam nyang gutom na sya at yung bunga lang ng bayabas ang pwedeng makapawi ng kanyang gutom pero dahil ayaw nyang magpagod umakyat eh tiniis nya na lang ang gutom nya at hinintay itong mahulog mula sa sanga. Kung ganun eh talagang masasabi kong hindi lang tamad si Juan kundi saksakan din sya ng tanga at sana yung bayabas na nahulog sa bibig nya eh may lamang granada para mas masaya diba? Teka, masyado naman yatang brutal yung granada kaya baby grenade lang, bwiset! Pero bago tayo magwala sa pagkabwisit kay Juan, isipin muna natin yung mga posibilidad na nakapalibot sa kwento. Baka naman kaya hindi niya inakyat ang puno ng bayabas para pitasin ang bunga eh may mag-asawang anaconda na naglalampungan sa taas ng puno na hindi lang nabanggit sa kwento at maliban sa mag-asawang anaconda eh andun din ang kanilang baby anaconda, cousin anaconda, mother anaconda, grandmother anaconda, great-grandmother anaconda, great-great-grandmother anaconda, mother of great-great-grandmother-freakin’ anaconda, my anaconda don’t (whoops, kanta na pala ni Nicki Minaj yung “my anaconda don’t”, na-carried away ako sa anaconda and dami kase! haha). Pero seryoso, kahit ako naman siguro eh hindi magsasayang ng effort para gawin ang isang bagay na hindi pa naman talaga required. O baka naman busog pa talaga si Juan kase napadaan siya sa McDo at kumain sya ng Cheeseburger with two extra rice at super-extra-large na French Fries na gawa sa patatas (malamang) at walang ketchup (Nice one Juan, ayiiii haha, pogi), kaya hindi sya desperadong makakain ng desset na bayabas o tawaging natin guava para naman sosyal kase nga dessert (duss-surt). Yang ganyang mga possibilities kaya ang ibig kong sabihin, dahil ang kwento ni Juan Tamad ay hindi naman isang documentary na tinutukan ng camera ang mga pangyayare chapter by chapter dahil ang kwento ni Juan Tamad ay kwentong bayan lang na nagpasalin-salin na lang sa bibig ng mga mahilig sa dagdag-bawas-hindi ang  mga mandarayang kandidato sa eleksyon ang tinutukoy ko dito kundi yung mga taong mahilig magdagdag-bawas sa kwento na kilala rin sa tawag na Chismoso  🙂 Pero bakit ba natin seseryosohin ang kwento ni Juan Tamad eh isa lang naman itong fiction?

Let’s move on to the next page.

Ang susunod na mga pangungusap ay naglalarawan sa aking “pangangatwiran” bilang isang taong may pagka-tamad “daw” kung minsan. Ikaw, halimbawa, yung mga taong nagsasabing tamad ka ay maaaring nahahati lang sa dalawang klase. Una, ito yung mga taong sobrang pagod kase nga masipag daw sila at ikaw ay hindi, in short, inggitero, dedmahin mo n alang. Pangalawa, ito yung mga taong iba ang wavelength kesa sa’yo, yung mga taong siguro eh nagbubuga lang ng mga tatlong Alpha at Gamma waves ang bumbunan bawat segundo. Medyo malalim na syentipikong usapan to kaya i-google la lang natin next time kase baka mag-nosebleed pa tayo pareho. Haha! Balikan natin yung una-yung mga taong masisipag. Ewan kung bakit may mga taong sobrang sipag tapos kapag nakita nilang chill ka lang eh magagalit sila at sasabihin nilang tamad ka na? Sa anong basehan? Una, hindi mo kasalanan kung ma-dehydrate sila sa kasipagan, pangalawa, hindi hindi sila ang ipa-firing squad kapag hindi mo natapos ang trabaho mo, pangatlo, kung ikaw ay nabibilang dun sa mga taong masisipag kuno na tinutukoy ko eh maaring wag mo nang ituloy ang pagbabasa dahil baka hunting-ngin mo ako at barilin ng water gun kapag nakita mo ako, pang-apat, kalimutan mo na ang pangatlo dahil gumagamit nga pala ako ng TOR o The Onion Router  kaya hindi mo malalaman ang I.P. Address at location ko, at panghuli,tama na yung apat kase masyado nang marami. Haha! Bakit ba ang dami kong mga side-trips gusto ko lang naman talaga sabihin na ang tunay na masipag, hindi nagrereklamo na nakadalawang litro na sila ng pawis na ibinuhos (exaggeration ito) at ikaw eh naka 10 milliliters pa lang. Ang tunay na masipag eh hindi nagkukwenta kung gaano karami ang ginawa nila kumpara sa nagawa mo. Ang tunay na masipag ay nagbibigay ng inspirasyon sa iba. Ang tunay na masipag ay handang tumulong sa iba. Sa kabilang dako, ang pekeng masipag e ay nagtatrabaho pero nagrereklamo kapag nakikita nyang pagod sya at chill ka lang, ang pekeng masipag ay mahilig magkwenta kung ilan ang nagawa nya at kung ilan ang hindi mo pa nagagawa. Ang pekeng masipag ay mahilig umepal at kadalasang kinakabwisitan ng iba. Hindi ka tutulungan ng pekeng masipag sa trabaho mo dahil trabaho mo yan. Lastly, ang taong tamad ay walang pakialam, ang taong tamad ay ayaw ng resposibilidad, ang taong tamad ay umaasa lang sa charity para matapos ang gawain nya, (si Charity yung nagtitinda ng bulaklak ng Sampaguita sa may simbahan haha), at ang taong tamad ay masarap gawing crash barrier sa mga accident prone areas ng mga highways para mapakinabangan ng mga reckless drivers.Haha! Joke lang.

Conclusion: Hindi ako tamad (may “pagkatamad” lang haha). Hindi rin ako pekeng masipag. At lalong-lalo nang hindi ako masipag! Haha. Pero isa lang ang alam ko-gutom na ako este, mapamaraan lang ako (seryoso  yung una haha), at hindi ito yung mapamaraan na may kasamang panglalamang dahil mabait naman ako sabi ng Nanay ko. Haha! Kidding aside, may konsensya naman ako at ayaw ko ng nakakalamang sa kapwa ko. Pero pagdating sa trabaho, may mga pagkakataon na sinasamahan ko ito ng sarili kong formula para mapadali ito na hindi naman isinasaalang-alang ang kalidad ng resulta ng dahil pagkatapos ng aksyon eh iisa lang naman ang goal na kailangang makuha-matapos ang trabaho ng tama, pwedeng may labis pero huwag lang may kulang. Pero hindi ko naman ipagkakaila na paminsan-minsan ay may mga pagkakataon na nakakagawa rin ako ng pagkakamali, ipokrito naman ako kung hindi ko aaminin yan dahil wala naman akong natanggap na award na “Most Perfect” noong nag-aaral pa ako (“Most Quiet” at “Most Kind” lang special award kong nakukuha kong award noon), pero “Most Perfect”?-ewan ko kung merong ganung award na nakuha yung iba kong kaklase. Kung meron man eh di palakpakan tayo ng kamay at talampakan-yung magkasabay. Haha. Seryoso na ulit-gagamitan ko na lang ng isang analogy para i-summarize yung point na gusto kong sabihin. Minsan para lang itong byahe pero hindi ito karera, ang goal mo ay makarating sa point B mula sa point A. Pwede mong gamitan ng sarili mong mga diskarte, pwede kang mag-hyper milling, o mag-drift, o i-drive ng patalikod ang sasakyan mo habang naka-reverse ang kambyo kung kakaiba ang trip mo, basta siguraduhin mo lang na merong  giant rear mirror ang sasakyan mo at siguraduhin mo ring may life insurance ka at naisulat mo na ang iyong final will (kung may mga kayamanan kang ipamamana) Joke ulet, haha! Basta ang gusto ko lang sabihin eh pwede mong gawin lahat ng gusto mong techniques at diskarte para makarating ka sa point B basta wala lang daya. Pwede kang mag-short cut basta wag ka lang dadaan sa One-Way, pwede kang mag-over-take basta malinis ang opposite lane, pwede kang mag-pull over kung gusto mo, pwede kang mag-drive through sa McDO at bumili ng giant McDo Cheeseburger na may super-extra large fries na gawa sa patatas (malamang) pero walang ketchup 🙂 at may kasamang two extra rice. Pwede lahat, basta wag lang yung bawal. Speaking of McDo Cheeseburger, sinipag sana akong bumaba para maglakad papunta sa 24-Hour McDo na mas malayo sa 7-11 (palakpakan sa kasipagan ko hihi), pero naisip ko na wala na silang Cheeseburger kase breakfast meal na ang sini-serve nila nayong paumaga na. Ayoko na rin ng bulalo cup noodles dahil ang gusto ko ay tunay na bulalo, hindi dahil sa tinatamad akong bumaba at pumunta sa 7-11 kase ayoko na talaga, peksman (puppy eyes ulet). Pero pupunta ako sa Tagaytay at hihigop ng mainit na sabaw ng bagong lutong bulalo mamaya sa panaginip ko. Pero mamaya pa yun, sa ngayon ay magpapaalam muna ako ng goodnight sa iyo para may energy ako pagpasok sa trabaho mamaya at pramis pag-gising ko, mas masipag na po ako. Pramis talaga. Peksman, mamatay pa man yung kuko ng kaaway nung kapitbahay ko 🙂

Published by: Miggy Neutron

I am Miggy Neutron. In my head are more than one hundred billion brain cells just as much as yours. Hidden in some of these cells are my unspoken hopes, dreams, sentiments, fears, curiousity and thousands of few more unnamed ones sleeping in the center of my subconcious mind which I hope to name before I leave this existence- some, if not all. I once wondered how big my head would have swollen up to if every single one of these thoughts are matchboxes-thus born my pen name Miggy Neutron (inspired by Jimmy Neutron). And why not matchboxes? I love watching cartoons and animes as an adult and I don’t feel an ounce of guilt from it because that is my alter universe. I missed Samurai Jack, Dexter’s Lab, the original Powerpuff Girls and the evil heart of Mojo Jojo. I love watching The Amazing World of Gumball too because I think life in Elmore is very interesting. Though I don’t really like cats as much as I adore Gumball Watterson and his mom Nicole. If you want to see my eyes spark, talk to me about the galaxies, outerspace, the stars, the planets, the massive blackholes and anything from the universe to infinity and beyond. Yes, I am a weirdo sometimes but I also step into noisy bars, party like Jay Gatsby enjoy drinks and get more sober with shots of whiskey. You can stand beside me and talk about how some saturated carbon atoms bind with other elements and how it gets a stranger to come to talk to another stranger against the loud bass in the middle of the crowd. And you will not regret that you did. I am a professional Teacher by accident, a Banker by profession, a seasonal skater because I want to surf recklessly sometimes from where I get a little taste of freedom, and by heart, I am a true-blooded Gemini, not to justify my double sided personality. In a nutshell, I am just like you, and just like everybody else-someone who was born trying to live life and hoping to leave a small mark in the end. And of the billion people born and yet to be born, my fingerprint and yours cannot be duplicated, not even by super Science, and by this I would like to tell you that just like me, you are special. You are special in your own ways and that is the reason why you do matter. You do matter a lot inside this small blue dot called Earth.

Categories Albert Einstein, Bulalo, cheeseburger, College, couch potato, french fries, hardwork, Highschool life, Juan Tamad, Professor, Talino, Tamad, Uncategorized2 Comments

2 thoughts on “Mga Kwentong Bulalo, Cheeseburger, At French Fries Na Walang Ketchup”

  1. Brod, haba naman ng kwento mo! pero ok lang trip mo yan diba? nice work, wag ka masyadong tamad, hehe! joke lng brod.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s