“Drunken Words Are Spoken By Sober Hearts”


“Let’s get drunk and say the things that we are afraid to say.” Nabasa ko yan minsan sa facebook newsfeeds ko, nabwisit akong isipin kase napaka-lame, tapos biglang nag-replay sa utak ko yung mga times na naging guilty din ako dun, kaya heto bigla din akong nabwisit sa sarili ko. Pero, pero, pero malinis to, pati sa kusinaaa. Sorry umiinom ako ngayon haha. Pero ito seryoso na-maaring lame nga yun pero hindi din, kase, when we are drunk, our emotions go into one of it’s most vulnerable states. Kapag nakainom tayo, we usually feel more than we think. Kaya naman maraming mga lihim ang lumutang sa inuman, mga tinatagong pag-ibig, takot, galit, kalungkutan, pangarap. Haha. Pero bakit nga ba ganun? Kaduwagan ba yun? Dahil mas mahal ko ang ego ko kesa sa mahal ka ng mama mo, sasabihin kong hindi-here’s why. Kakainom ko lang ng isang basong beer na malakas sumipa tas nananapak pa. Close your eyes at gamitin mo imahinasyon mo kase i-rereplay ko yung pag-inom ko ng beer ng slowmo. Heto na..naka indian sit ako sa harap ng japanese table ko kung saan nakatitig sakin ang isang baso ng beer (Filipino yung beer don’t worry). Ang lamig nung beer, singlamig ng damdamin ko, tapos yung baso nagmo-moist. Hinawakan ko yung isang basong beer at ininom ko bottoms up, lahat (hindi kasama yung baso kase di naman ako nagtatrabaho sa circus). Bumaha sa lalamunan ko yung beer pababa sa stomach, at maya-maya pa, sa small intestines ko, unti-unting kinamada ng mga blood vessels kong nakabaang at mga ilang segundo pa, lumalangoy na at nakikipag-apir na yung alcohol sa mga blood cells ko sa loob ng aking mga blood streams paakyat sa aking ulo, yung sa taas kase paakyat nga po hindi pababa. Pagdating nung alcohol sa utak ko, agad nitong tinurukan ng pampamanhid yung ilang major parts ng utak kasama na yung cortex at hypothalamus. Shet, kayo na bahala mag-google kung anong functions nung dalawang parts ng brain natin na yun basta in short, kapag laseng tayo, nagiging superman tayo kase nakakaya natin yung mga bagay na akala natin ay di natin kaya, nakakaya nating lunukin yung ego natin at ipakita yung vulnerable side natin sa kabila ng ating pagkukunyaring matatag. At dahil dyan, para sakin, minsan, ang inuman ay sagrado. Bigla kong naalala yung isang pagkakataon na nag-out of town kami ng mga bago kong katrabaho para mag-teambuilding, para mas makilala namin ang isat-isa at maging komportable sa trabaho dahil A-list ang team namin at obsessed ang manager namin sa achievement, wala namang problema dun, win-win situation. Matapos naming uminom sa hotel, mga alas dos medya na ng madaling araw, nag-aya ang manager ko na pumunta kaming lahat sa shoreline, kahit bawal na dapat, dun daw kami mag-spin the bottle pero lahat dapat truth walang dare, di na kami pumalag. Gamit ang ilaw ng aming mga cellphone, naglakad kami papunta sa beach, bitbit ko ang isang bote ng Jim Beam na huling alak na iniinom namin sa kanang kamay ko para sa closing act. Mga laseng na sila, well, akala ko sila lang hanggang napansin ko na isang paa ko lang ang may suot na tsinelas, nagulat at natawa ako ng malakas kaya napalingon sila sakin kase mag-isa akong lumalakad sa likuran nila, pero dahil mga basag na rin ang mga gago, tumingin lang sila at di nagtanong kaya di ko na kinailangan magpaliwanag, masyado kase silang engage sa hot topic nila na mga dalawang oras na nila pinagtatalunan, kumbaga parang commercial lang ako na saglit na pumutol sa pinag-uusapan nilang paliko-liko na rin. Pero mga ilang sandali pa ang lumipas, napansin ko na bitbit ko pala sa kaliwang kamay ko yung isang pair nung tsinelas ko, at dun ko gustong tumawa ng mas malakas pero syempre pinigil ko na kase baka isipin nila na nasa ibang planeta na naman ako. Dun ko narealized na hindi pala nakakalaseng ang Henessey kapag ini-mix mo sa cranberry, kaso nakakamanhid (facepalm). Pagdating namin sa beach, umupo kami sa buhanginan pabilog, magkakaharap syempre kase hindi naman kami magkakagalit, yung parang kulto na gumagawa ng ritual, pero sa halip na kandila ang nasa gitna ay isang empty bottle ang nakahiga, naghihintay ng unang biktima. Ako ang spinner nung bote pero laging aberya kase tamad umikot yung bote sa buhangin, hindi laseng yung bote, isang direksyon lang yung tinitigilan kase hindi ko kayang i-break ang rule ng Physics kaya ending paikot na lang ang tanungan, kapag turn ng isa, magsasabe sya ng isang bagay na very personal na hindi namin alam tapos may mga follow up questions. Pero nag-promise kami na sundin ang military rule “What you see, what you hear, what you feel, when you go, leave it here.” Kasado. Umikot ang tagay at nagsimula na ring umikot ang tanungan, pati yung paningin ko umiikot na rin, beer drinker blues. Pero habang tumatagal, bumababa yung tama ko kase nagugulat ako sa mga naririnig ko, maraming plot twists akong nalaman tungkol sa mga buhay ng mga teammates ko at syempre dahil I honor my pledge, hindi ko na kailangan i-tsismis to dito yung kapara halimbawa na yung isa kong babaeng team mate na married with kids na sobrang tahimik at hinhin, may third party affair pala (syempre joke tong part na to haha). Basta maraming kwento pero bottomline is, mas nakilala namin ang isat-isa, at kasama ng pagbabahagi namin ng isang sulok ng buhay namin ay pagbabahagi rin ng malaking tiwala para sa isat-isa. And our bond was never the same again. Hindi ko alam kung lahat sila kayang sabihin yung mga sinabe nila kung di kami uminom. “In wine, there is truth.” Kapag laseng tayo, mas tumatapang tayo at dun din mas nagiging extra-sober yung puso natin pero minsan, may mga tao na, pagkatapos mong ibuhos ng todo-todo yung damdamin mo, sasabihan ka ng “Sus, laseng ka lang.” Tangina lang diba? Tangina lang talaga to the tenth power. Yo dent andurstend meng. Sila yung mga taong siguro naglalaseng lang para magpakasaya, at ang swerte naman nila, pero kung may isang beses na uminom ka dahil sobrang down ka, na basag na basag ka at pakiramdam mo bumagsak ka rock bottom, you will understand my point. Kaya kapag may isang taong laseng na nagbubuhos sayo ng damdamin nya, pakinggan mo, unawain mo, tapikin mo, at higit sa lahat, damayan mo. Sometimes, we become vulnerable not because we’re drunk with alcohol, but simply because we’re fucking drunk with emotions. Naks, sariling qoute ko yan, pwede mo kopyahin, tagkalin mo na lang yung f-word kase bad yun..Ubos ko na yung dalawang bote ng redhorse. Pero sa ngayon, gusto ko pang uminom, gusto kong uminom ng isang case ng realidad hanggang sumuko ako sa pag-asa na kaya kong suntukin ang buwan. Amen.

Published by: Miggy Neutron

I am Miggy Neutron. In my head are more than one hundred billion brain cells just as much as yours. Hidden in some of these cells are my unspoken hopes, dreams, sentiments, fears, curiousity and thousands of few more unnamed ones sleeping in the center of my subconcious mind which I hope to name before I leave this existence- some, if not all. I once wondered how big my head would have swollen up to if every single one of these thoughts are matchboxes-thus born my pen name Miggy Neutron (inspired by Jimmy Neutron). And why not matchboxes? I love watching cartoons and animes as an adult and I don’t feel an ounce of guilt from it because that is my alter universe. I missed Samurai Jack, Dexter’s Lab, the original Powerpuff Girls and the evil heart of Mojo Jojo. I love watching The Amazing World of Gumball too because I think life in Elmore is very interesting. Though I don’t really like cats as much as I adore Gumball Watterson and his mom Nicole. If you want to see my eyes spark, talk to me about the galaxies, outerspace, the stars, the planets, the massive blackholes and anything from the universe to infinity and beyond. Yes, I am a weirdo sometimes but I also step into noisy bars, party like Jay Gatsby enjoy drinks and get more sober with shots of whiskey. You can stand beside me and talk about how some saturated carbon atoms bind with other elements and how it gets a stranger to come to talk to another stranger against the loud bass in the middle of the crowd. And you will not regret that you did. I am a professional Teacher by accident, a Banker by profession, a seasonal skater because I want to surf recklessly sometimes from where I get a little taste of freedom, and by heart, I am a true-blooded Gemini, not to justify my double sided personality. In a nutshell, I am just like you, and just like everybody else-someone who was born trying to live life and hoping to leave a small mark in the end. And of the billion people born and yet to be born, my fingerprint and yours cannot be duplicated, not even by super Science, and by this I would like to tell you that just like me, you are special. You are special in your own ways and that is the reason why you do matter. You do matter a lot inside this small blue dot called Earth.

Categories Uncategorized