Bakit Gusto Kong Maging Ipis?


Matapos ang apat na taon, sa wakas eh matutuloy na rin ang usapang ipis na una kong pinagtangkaang isulat na nauwe sa unang blogpost ko sa website ko na’to na pinamagatang “No Jaywalking”. Ang bilis talaga ng panahon, kung pipikit ako at babalikan ko ang mga panahong yun, parang kahapon lang nangyari pero kung tutusin ay may mga one thousand four hundred sixty days na ang nakalilipas, o katumbas ng apat na taon na ang total eh two million one hundred two thousand four hundred minutes?? Haha! Naisip ko tuloy bigla-pano kaya kung nasanay ang mga tao na ang edad eh minute basis at hindi year basis? “Hi! My name is Miggy Neutron, I am twelve million, six hundred fourteen thousand, four hundred , minutes old. I am tall, dark, and handsome awesome. I thank you. Bow”. Haha! If we do the Math,ang  katumbas ng twelve million, six hundred fourteen thousand four hundred minutes eh two hundred ten thousand, two hundred fourty hours o katumbas ng eight thousand seven hundred sixty days na katumbas ng two hundred eighty eight months o sa pinaka-simple, twenty four years. Twenty four years old. Ako? Oo, dati, pero hindi na ngayon. Haha! Considering the leap years base sa Lunisolar Calendar, ang edad ko eh “The sum of expressions X and Y, where the value of X is the difference between the value of XY- (the value of Y being null),multiply by the square root of the value of G+3 divided by numerical value of the distance of the axis of the the planet Earth to the axis of planet Pluto  when tilted by five degress to the north east north, multiply by the diameter of the lid of a one- Liter Redhorse beer after a  four Newton (not Neutron) is applied, divided by the number of Filipino politicians who has pending Graft and Corruption cases in the Philippines..but wait, wait, ano na nga ba ulit ang tinatanong ko sa infinite formula kong ito? Haha! Iinom muna ako ng red horse tubig. Ayun alam ko na! Kinukwenta natin ngayon ang distansya ng dulo ng kaliwa sa kanan mong kilay sa pagkasimangot para i-try i-absorb ang mga alang kwentang mga sinasabi ko. Ayun, lagpas four years na nga ang nakalilipas at finally ay mapagkukwentuhan na natin ang mga pulis pangkalawakang ipis. Yung mga ipis na lumilipad. Haha!

Mag-imagine tayo. Halimbawa, isa kang teacher tapos nasa loob ka ng classroom na may sampung mga estudyante at magtatanong ka ng ganito: “Sino ang ayaw sa ipis, pakitaas ang kanan at kaliwang kamay?” (Patawad, usapang Math na naman ito, pero don’t panic dahil basic Math lang ito). Tanong: Ilang kamay ang inaasahan mong makitang nakataas sa tanong mo? Bente? Mali. Bente at kalahati? Maling-mali (maliban na lang kung ang isa sa mga estudyante mo eh Mutant). Ito sasabihin ko na, dapat ang makikita mong nakataas na kamay eh bente dos dahil syempre magtataas ka rin ng kaliwa at kanan mong mga kamay dahil ayaw mo rin sa ipis malamang sa malamang. Bakit ba ayaw na ayaw na ayaw natin sa ipis? Dahil kaya noong first life natin eh mga ipis ang bida at pinagmalupitan nila tayo at ngayong tayo na ang bida sa mundong ito eh rumeresbak lang tayo sa kanila? Hindi ko alam. Hindi ako Psychologist para ipaliwanag kung bakit nakatanim na sa psyche natin ang pagka-disgusto o kadalasan, pagkatakot natin sa mg ipis, basta ang alam ko lang eh yung mga praktikal na dahilan kung bakit ayaw natin sa ipis, tulad halimbawa ng dahil ang ipis ay marumi at mapanganib. Marumi dahil nagdadala ito ng mga bacteria na maaring maiwan sa mga gamit o pagkain na maari nating mahawakan o kainin. Mapanganib dahil karamihan sa mga ipis eh may mga pangil na humahaba ng mga twenty cintemeters kapag sila ay nagagalit dahil hinahabol natin sila ng tsinelas o kahit anong solid object na mahagilap natin bilang depensa kapag ang bote ng cockroach killer natin eh hangin na lang ang ibinubuga at ubos na ang deadly sprays, at karamihan sa mga ipis ay may mga dalang Sniper Rifle kahit wala naman silang License to Carry na malinaw na paglabag sa Republic Act No. 1059 (mga ipis sa Pilipinas ang pinag-uusapan natin ngayon).Haha.

Napapangiti at naaaburido ako ng konti sa tuwing maalala ko ang wordpress website kung ito na nabuo ng dahil sa ipis mga lagpas apat na taon na ang nakakaraan. Dahil tulad ng mga ipis na nocturnal creatures, nocturnal goodlooking creature din ako tulad ng mga daang libong kapwa ko mga call center agents sa buong Pilipinas (ginamitan ko ng goodlooking creature yung description ko sa sarili ko para maiba naman sa naunang description ko sa ipis para makatao naman at hindi naman siguro discrimination na matatawag ito). Kasalukuyan akong nagbabakasyon o mas tamang sabihing pinagbakasyon sa Quezon noon isang gabi nang bumitiw ako saglit sa harapan ng computer mula sa paglalaro ng Pet Society (bago pa nauso ang Farmville noon) para magtimpla ng kape sa kusina, sobang mahal na mahal ko nun ang virtual pet kong si Rocky na laging nananalo sa race. Pagbukas ko ng ilaw ay dalawang ipis ang nakita kong kampante at masayang nagba-ballerina sa ibabaw ng lababo (limot ko na kung ano ang tugtog nila haha). Kadalasan, ang unang pumapasok sa isip natin kapag na-exposed tayo sa isang dangerous situation eh yung tinatawag na “Fight or Flight Reflex” kung saan gagamitin natin ang reserba nating lakas para tumakbo palayo o harapin at lumaban sa panganib. Hindi naman siguro makakabawas ng pagkalalake ko kung aaminin kong naduduwag  ako sa ipis kapag nakita ko itong lumilipad. Kung may pakpak din siguro ako at nakita kong lumilipad ang ipis, maaaring hindi ako maduwag dahil patas na laban yun.Haha. Pero aaminin ko na kahit naman kelan eh hindi patas ang laban dahil hindi naman pwedeng humawak ng tsinelas, o ng tear gas ang mga ipis samantalang tayo bilang mga tao eh pwedeng gumamit ng mga ito tulad ng nabanggit ko sa itaas. Partida talaga ang mga tao laban sa mga ipis. Tsk. Tsk. Mabalik sa kwento, dahil nagsasayaw nga ng ballet and mag-syotang ipis na nakita ko ng madaling araw na yun (siguro eh  monthsarry nila kaya may ganung paandar at wag na natin silang pakialaman sa trip nila), at dahil ayokong gumawa ng ingay para i-murder ang magkasintahan sa ibabaw ng lababo dahil kahimbingan ng tulog ang buong sambahayan maliban sa akin at sa mag-syotang ipis at siguro sa iba pa nilang kasamahan, pinagmasdan ko na lang sila. Sa kauna-unahang pagkakataon eh noon ko lang nagawang obserbahan ang mga ipis, ng may katagalan. Hindi tulad ng kadalasang nangyayari na pagbukas ng ilaw ay magtatakbuhan ang mga ipis dahil hyper sensitive daw ang mga ito sa liwanag, parang walang pakialam lang na hindi natinag ang magkasintahan pagbukas ko ng ilaw at sa paglapit ko sa kanila. Mga ilang minuto ko pa silang tinitigan, nakakatuwa palang pagmasdan ang mga ipis kapag minsan. Ano kayang iniisip ng mag-syotang ipis na yun nung mga sandaling yun? Na dahil single ako at wala akong syota eh maging audience na lang muna nila ako? Hanep! Parang dehado ako. Haha! Bumalik ako sa sala para magbaka-sakaling makakita ng spray para tapusin ko na ang kanilang palabas pero no luck, may nahagilap akong dyaryo na dali-dali kong tinupi para maipang-hataw ng hindi lilikha ng malakas na ingay at dali-dali ulit akong bumalik sa kusina para makipag-tuos. Ilang segundo din tumagal ang seizure at ng makorner ko ang isa sa kanila eh bigla itong nag-akmang mag-take-off. Hindi pa man ito nakakalipad eh ako na ang naunang lumipad pabalik sa sala. Nagkakapakpak pala ang gilid ng dalawa kong paa kapara ng suot ng Olympian God na si Mercury kapag minsan at noon ko lang nalaman. High tech. Haha. Matapos kong mahimasmasan eh nawalan na ako ng gana na magtimpla ng kape. Mga ilang minuto rin akong nakatitig sa screen ng computer na tumatagos naman ang aking mga mata. Naisip ko tuloy: Paano kaya kung naging ipis ako? Kung naging ipis ako, habangbuhay akong magtatago na daig pa ang most wanted criminal na tutugisin sa anumang sandali na makita nila ako. Kung naging ipis ako, wala akong kalayaan, limitado lang ang lugar o oras na pwede kong galawan ng malaya kung kalayaan man ito na matatawag. Kung naging ipis ako, kasalanan ko ba na nilikha ako na isang ipis at isinusumpa ako ng mundo? Kung naging ipis ako, blah, blah, at blah. Buti na lang hindi ako ipis pero bigla akong nalungkot para sa mga ipis. Nalungkot ako na may kasamang pagkaawa para sa kanila. Napaka-harsh pala ng kapalaran ng mga ipis. Ewan ko kase kung bakit minsan masyado akong maawain kahit hindi naman “applicable”. Pero kahit ang iba kong mga kaibigan eh nagsasabing OA daw ang pagka-maawain ko kapag minsan, na siguro eh dahil sa noong bata pa ako (at bata pa rin naman hanggang ngayon), eh lagi kaming kinukwentuhan ni Nanay ng mga bedstime stories na maliban sa mga kwentong fairy tales eh may mga kwento din na yung bida eh sobrang api at kinakawawa, na minsan eh napapaluha pa ako ng palihim habang nakikinig sa kwento pero sa pagtatapos naman nung kwento eh sobrang saya at gaan na sa loob dahil ang mga kwento ni Nanay eh laging happy ending. Haha. Partida. Pero naisip ko ang mga ipis na malayong magkaroon ng happy ending. Kaya bago pa ako mapaluha eh kinapa ko muna na meron akong dalawang kamay, dalawang paa, dalawang tenga, dalawang mata, ilong na maganda, (Kumakanta lang po ako nung kanta natin nung mga kinder o grade school tayo na may pamagat na “Sampung Mga Daliri” haha ). Buntung-hininga muna para i-exhale ang pagka-emo kase nalulungkot naman talaga ako para sa mga ipis. Paminsan-minsan eh minumulto lang talaga ako ng pagka-weirdo ko pero paminsan-minsan lang naman kaya susulitin ko na. Napaisip ako na kung may mga dapat mag-sabi na unfair ang mundo eh nangunguna dapat sa listahan  ang mga ipis,at hindi ikaw na nagsasabing unfair ang mundo kapag ginawa mo na lahat-lahat  sa pag-ibig, ibinuhos mo na lahat ng todo-todo pero sa  panget na puno ng tigyawat ka pa nya ipinagpalit, kaya itigil mo na ang mga ganitong drama sa mga susunod? Mahiya tayo sa mga ipis, seryoso. Pero bakit nga kaya nilikha ang mga ipis? Don’t get me wrong, hindi ko naman kinukwestyon na nilikha sila dahil para ko naring kinuwestyon na bakit pa ako nilikha na may kumpletong kamay, paa, etcetera, etcetera. Kung anuman ang tawag natin sa Greatest Engineer na nagdisenyo at lumikha sa’tin eh alam kong may dahilan ang lahat. Pero out of curiosity at pampalubag sa aking bagbag na damdamin eh nag-isip na lang ako ng mga makabuluhang dahilan kung bakit may ipis sa mundo. Una, para malaman mo kung gaano kabilis ang reflex mo pag minsan 🙂 pangalawa, para malaman kung ang isang lalake eh tunay na matapang o nagtatapang-tapangan lang pero sisigaw na parang chick kapag biglang may nakitang ipis, pangatlo, para gisingin ka lang kung aantok-antok ka pag minsan, pang-apat, para matuto kang maglinis ng bahay para hindi tirahan ng ipis kung tamad ka na tulad ko minsan.haha! Joke. Seryoso na, alam mo ba na ang mga ipis ay tumutulong para pira-pirasuhin ang ating mga ginawang mga basura (hindi dito syempre kasama yung  mga metal scraps sa mga scrapyards kase hindi naman daw po bionic ang ating mga bidang ipis, wag ka pong pilosopo please po, thank you po) para maging mga maliliit na particles na tumutulong naman para ma-decompose ang mga ito ng madali at maibalik ang mga sustansya sa lupa, at ma-absorb ng mga halamang nakatanim sa bahay kubo, at ng mga damong kakainin naman ng mga biik, baka, kambing, manok (nagdadamo ba ang manok kumakain ba ng damo ang manok?) na isasahog ni Nanay para sa tanghalian nating masarap, masabaw, masarsa, ma-extra rice at masustansyang sinigang, nilaga, tinola, pinakbet, bistek, pochero, suplado, bulalo, bolero, ensalada, suplada, tokneneng, tokninong, mechado, tsismoso, avocado,at aminin mo, minsan yung mga tsismoso masarap ding gawing relyeno, haha! Oh diba, sobrang crucial pala ng role ng mga ipis sa ating hapag-kainan kung iisipin natin. At dahil ang mga pobreng ipis eh kumakain ng mga bulok na mga pagkain o bagay na puno na ng mikrobyo, dito sila nagiging delikado dahil maari silang makapag-dala ng mga sakit. Kaya kapag may nakita tayong ipis sa mesa eh siguro tinitignan lang nila kung maayos ang pagkakaluto natin sa mga produktong naging bahagi sila ng manufacturing process, at minsan, hindi lang sila tumitingin kundi kapag curious sila eh tinitikman na rin nila ang mga ito kung tama ang pagkakatimpla ng salt and pepper at kung tutulog-tulog ka. Haha! Pero hindi natin dapat isipin na nilikha ang mga ipis para magdala ng sakit, kumbaga, ito nalang yung nagiging resulta sa pagsisilbi nila sa mundo dahil sa mga basura na gawa nating mga tao.

Ang mga ipis daw ang pinakamapagtiiis at pinakamatibay na living creature sa mundo na kung natuloy o matutuloy ang Nuclear War sa mundo (pero huwag naman sana dahil gusto ko pang makitang lumalaki ang anak ko) eh ang mga ipis lang ang nilalang na pwedeng matira dahil sa sobrang taas ng resistensya nila laban sa radiation, ito ay base sa scientific experiments kaya wag mong isipin na binobola lang kita. Sabi nga ng ilang scientists, ang mga ipis daw ang tinatawag na “Reset Button” ng mundo. At kung matuloy nga ang Nuclear War (pero wag naman sana ulit dahil kapag lumaki na ang anak ko ay gusto ko pa rin syang makitang magkaroon ng sarili nyang pamilya), marereset ang mundo at ang mga ipis lang ang pag-sisimulan ng evolution hanggang mabuo ulit ang human being. Malulungkot si pareng Charles (Darwin) dahil maluluma na ang kanyang Theory of Evolution. At maniniwala ka ba na noong 18th Century, may isang lugar sa Europa kung saan ginamit nila ang ipis bilang alternatibong medesina na ang pinakasikat eh ang cockroach tea? Hmm, siguro mas mamatamisin ko pang uminom ng isang dosena ng espresso shots ng mga twenty times a day for ten days ( kesa uminom ng kalahating baso ng cockroach tea para gumaling sa sakit, maliban na lang kung pag-inom ko ng cockroach tea eh gagaling agad ako tapos bibigyan pa ako ng ten thousand Pounds Sterling, kahit isang baso at kalahati pa eh buong puso kong gagawin, at negotiable pa yan. Haha!

Habang nag-iisip ako noong mga sandaling yun eh hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kawalan na akala mo eh sabog. Bigla akong naaliw sa mga ipis na kung maaari ko lang hanapin yung magsyotang ipis na nakalaban ko eh kakausapin ko sila at magsosori ako sa ginawa ko. Seryoso. Pero malamang nag-check-in na ang dalawang yun para mag-jerjeran magpahinga kase nga pagod. At ng matauhan ako eh napatingin ako sa screen ng computer at nakita kong mga fourty eight years na palang naka-nganga sa starting line ng race lane ang alaga kong si Rocky na hinihintay akong pindutin ang mouse. Sorry Rockyboi, uuwe na tayo. May gagawin ako. Gusto kong magkwento. Gusto kong maging Ipis Ambassador kahit ngayong gabi lang. Gusto kong bigyan sila ng hustisya laban sa mundo, kahit konti lang. Gagawa ako ng website. Magsusulat ako at sila ang bida.  Pumunta ako sa website ng wordpress para gumawa ng blogsite. MiggyNeutronic. Para ma-kumpleto ang registration ng site ko eh binuksan ko ang e-mail ko para i-click ang verification link na ipinadala sakin ng wordpress, pero maliban sa e-mail ng wordpress eh isang e-mail pa ang biglang bumida sa inbox ko, isang e-mail na hindi ko malilimutan. Pagkabasa ko ng e-mail eh hindi ko naiwasang biglang umasam na sana naging ipis na lang ako. Gusto kong maging ipis. Lumabas ako at nagyosi ng isa, dalawa, tatlo, apat. Bumalik ako sa harap ng computer. Magsusulat pa rin akong ngayong gabi pero bago ang mga ipis eh gusto ko munang maglabas ng isang libo at dalawang sentimyento na biglang nabuo sa isip ko sing-bilis ng pagka-upos ng bawat stick ng yosi na sinindihan ko. Mabilis na naghabulan ang mga daliri ko sa ibabaw ng computer keyboard, sobrang bilis na akala mo mga sasakyang nawalan ng preno. Delikadong tumawid.Nakamamatay. Nabuo ang kauna-unahang blogpost ko. “No Jaywalking”. Salamat sa mga kaibigan kong ipis.

Published by: Miggy Neutron

I am Miggy Neutron. In my head are more than one hundred billion brain cells just as much as yours. Hidden in some of these cells are my unspoken hopes, dreams, sentiments, fears, curiousity and thousands of few more unnamed ones sleeping in the center of my subconcious mind which I hope to name before I leave this existence- some, if not all. I once wondered how big my head would have swollen up to if every single one of these thoughts are matchboxes-thus born my pen name Miggy Neutron (inspired by Jimmy Neutron). And why not matchboxes? I love watching cartoons and animes as an adult and I don’t feel an ounce of guilt from it because that is my alter universe. I missed Samurai Jack, Dexter’s Lab, the original Powerpuff Girls and the evil heart of Mojo Jojo. I love watching The Amazing World of Gumball too because I think life in Elmore is very interesting. Though I don’t really like cats as much as I adore Gumball Watterson and his mom Nicole. If you want to see my eyes spark, talk to me about the galaxies, outerspace, the stars, the planets, the massive blackholes and anything from the universe to infinity and beyond. Yes, I am a weirdo sometimes but I also step into noisy bars, party like Jay Gatsby enjoy drinks and get more sober with shots of whiskey. You can stand beside me and talk about how some saturated carbon atoms bind with other elements and how it gets a stranger to come to talk to another stranger against the loud bass in the middle of the crowd. And you will not regret that you did. I am a professional Teacher by accident, a Banker by profession, a seasonal skater because I want to surf recklessly sometimes from where I get a little taste of freedom, and by heart, I am a true-blooded Gemini, not to justify my double sided personality. In a nutshell, I am just like you, and just like everybody else-someone who was born trying to live life and hoping to leave a small mark in the end. And of the billion people born and yet to be born, my fingerprint and yours cannot be duplicated, not even by super Science, and by this I would like to tell you that just like me, you are special. You are special in your own ways and that is the reason why you do matter. You do matter a lot inside this small blue dot called Earth.

Categories cheeseburger17 Comments

17 thoughts on “Bakit Gusto Kong Maging Ipis?”

    1. Yay! OO nga Doctor Eamer, anong tili ba ‘to? Yung tili na kinikilig sa saya o yung tili na kinikilig sa takot? Hahaa. Anyways, thanks for following me back and for dropping by my “baby site”, I am so honored and flattered that my head is starting to swell like Jimmy Nuetron’s 🙂 I am one of your silent fans btw. Cheers!

      1. Been searching for your book at 7-11s and when I had the chance to go to National Bookstore last time, but no luck. San ba mabibili ang book ng doktor? and yes surr, I dunno how to really utilize wordpress and create an about page but I will find time para aralin to whenever I can, salamat sa iyong mabuting layunin na ma-improve and site ko. Where to buy the book? The book, Doctor?

  1. ang sakit sa bangs nung mga equations nung simula…mahina kasi talaga ako sa Math pre…pero ha ha ha antagal kong inaabangan kung may hugot bang nakatago sa likod na matinding pagbibigay hustisya sa ipis na pati Nuclear War at theory of evolution ay nadamay pa at hayon, nakatago pala ata sa email na yown.

    nakakaawa naman talaga yung mga ipis pero nanghahabol sila! nanghahabol sila! at nakakakilabot kapag sumayad sa balat ang kanilang matatalim na legs ewww talaga…at nanghahabol talaga sila!

    1. Heyyyyy, Aysabaw, salamat at paumanhin. salamat sa pag-follow back at pagbisita sa blog kong bubuwit pa lamang, paumanhin at baka nag-nosebleed ka sa pagbabasa sa opening ceremony ng mga kwentong ipis. haha. at nahulaan mo pala na may hugot sa huli, you’re cunningly goood haha, saka ko na kwento yun. btw, balik na ulit ang pagkadisgusto ko sa mga ipis (balimbing! ) at sa kanilang mga matatalim na legs (yes, you said it very very right!) 🙂

      1. Hahahahaha. Gusto ko na ngang sumuko nung umpisa…kako eh nhirapan na nga ako nung highschool sa Trigonomentry…pati ba naman sa pagbabasa ng blog? Haha Grabe ka naman makabubwit…ang haba ng mga posts mo para tawaging bubwit lol. Anyway bubwit man ay nagiging daga din haha pero teka…parang ang hilig mo sa mga domestic hayop na nagtatago sa dilim…una ipis…ngayon naman bubwit haha

  2. Sobrang struglling ako sa Math nung hayskul, trigo, alegebra..etc..Na-disqualify akong mag-cum laude nung college dahil sa tres kong grade sa Math nung second year, sobrang nanghinayang ang mga kaibigan ko kc deserve ko daw mag-cum laude, sa isip-isip ko, yung medalya eh saglit lang gagamitin sa stage para sa picture-taking tapos isasabit at aalikabukin lang sa bahay, yung diskarte at kakayahan eh hindi na-ka-capture sa camera. No biggie. Pero hate ko talaga ang Math pero hindi dahil jan dahil di naman ako bitte hehe. Ewan ko rin kung bakit ayaw ko sa Math. Salamat pala sa moral support mo haha 🙂 At nagkataon lang yang mga domestic creatures na nabanggit ko, ang hilig ko talaga eh yung mga dinasaur 🙂 Asa gitnang-silangan ka ba?

    1. Hahahahaha….alam mo..di rin ako naging cum laude dahil tres ako pero sa accounting naman pero gaya nga ng sabi mo…and ayon sa experience ko…di ko naman nagamit or magagamit yan lalo na dito sa gitnang silangan dahil wala silang pake haha. Parang sa Pinas lang naman sobrang taas ng value mo pag laude ka haha…anyways…natawa ako sa dinosaur…kasi ang orihinal na nais kong isulat sa comment ko kanina ay “bubwit man, nagiging dinosaur din” kaso naisip ko walang konek kaya ginawa ko na lang daga instead of dinosaur lol

      1. Wow! talaga? Dinasaur? Ang galing naman, ito siguro ang tinatawag na meeting of minds, so mejo humahabol pala ang wavelength ko sa wavelength ng senior blogger na si @Aysabaw, ang kwela ng pangalan mo at ng mga sinusulat mo, haha, binabasa ko ang Palengke Chronicles mo at naaaliw ako sa mga wordings mo, sobrang kikay na down-to-earth na kalog mo siguro sa personal. Ikaw pa lang yata ang una kong naka-interact dito sa blogsphere. Nakalimutan ko kc yung password ng wordpress ko after my very first post more than four years ago tapos yung original na e-mail na ginamit ko eh yung secondary e-mail ko lang na nakalimutan ko na rin ang password kaya lately na lang ulit ako nakaka-usyuso dito. Masaya 🙂

      2. Hahahaha grabe ka naman sa senior citizen LOL…..pero tama ka…dito nga nagtatagpo tagpo ang mga magkakawavelength haha….ui salamat sa pagbabasa haha…kalog talaga ako pero di ako kikay hahahahaha…diba kikay yung medyo maarte ng konti? Hahahah…grabe ako talaga unang nakainteract mo…answerte mo joke hahahaha….anyways….lagi mo na ko makakasalamuha dito…pakalat kalat ako eh

  3. Nooo. I mean ikaw eh senior blogger kase may mas karanasan ka nang blogger eh ako eh wala pa, inosenteng blogger pa lang ako hehe. Ang gusto ko na nga lang magbasa ng magbasa eh, pero siguro hindi pa lang talaga uli sumisipa yung ideya sa utak ko at the moment na mangyari yun magbibitbit ako ng kwaderno sa banyo at kahit naka-upo ako sa trono eh magsusulat ako bago pa umalis sa isip ko yung ideyang naisip ko. haha. Kikay, I dont know kung tama ang pagkakagamit ko, but what I meant was- yung babaeng maharot na nakakatawa na mapang-asar, ayun! Pilya yata ang gusto kong sabihin and no I mean it the good way. haha

    1. Hahahaha joke lang sa senior citizen….hahaha…darating din yang ideya na yan and once dumating yan…parang batis yan na magiging never ending na bukal hahahaha….natawa ako sa pilya hahaha…sige na nga…kung ano man yan….

      1. Matulog ka na po at naisistorbo mo ako sa pagbabasa ng Palengke Chronicle. Ang galing ng mga banat mo dun tol! Parang sobrang totoo yung mga salaysay mo dun, sana wag matapos yung yung chronicle. Siguro, kung may common factor tayong mga tao dito sa blogspher eh ito yung makapagpublish tayo ng libro at kung mauubos na yung mga papel na gagamitin kc wala nang mga puno at isang libro na lang ang pwedeng i-publish at tayong dalawa ang nakipila eh syempre ibibigay ko na yun sayo tapos ilibre mo na lang ako ng banana cue two times a day for a lifetime.lol. Nice to talk to you, hope to catch you next time, though di pa naman ako nagpapaalam kc nagbabasa pa ako.haha

      2. hahahahahha grabe ka naman….pero salamat sa pagbabasa…at grabe ka sa banana cue twice a day for a lifetime wahahahahaha

  4. Haha. kelan ang next episode? tapos ko na eh. Hihintayin kong lumaki si Buding at sana magkaroon ng poreber si Mertha. at malamang kapag may poreber na rin si Buding eh tapos na ang Palengke Chronicle at ready for publishing na ang compilation mo. ayiiii 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s